Nilinaw ng Bangsamoro Darul-Iftaβ na pinahihintulutan ang pagbabayad ng Zakat al-Fitr sa anyo ng salapi kung ito ay mas makabubuti sa mga mahihirap na tatanggap, kasunod ng pananaw ng ilang kilalang iskolar sa Islam.
Ayon sa pahayag ng Darul-Iftaβ, bagamaβt ang pangunahing alituntunin ng Zakat al-Fitr ay ang pagbibigay ng pagkainβpartikular ang 2.5 kilo ng bigas bilang katumbas ng isang Saaββmaaari ring magbigay ng salapi bilang alternatibo. Ang halagang ibibigay ay dapat katumbas ng presyo ng 2.5 kilo ng bigas batay sa uri ng bigas na karaniwang kinakain ng nagbibigay ng zakat.
Ipinunto ng Darul-Iftaβ na ang ganitong opsyon ay sinusuportahan ng ilang mga kilalang iskolar tulad nina Abu Hanifa, Umar ibn Abdulaziz, Al-Bukhari, at Ibn Taymiyyah, na nagsasabing maaaring mas maging kapaki-pakinabang sa mga nangangailangan ang pagbibigay ng zakat sa anyong salapi.
Binigyang-diin din ng Bangsamoro Darul-Iftaβ na ang Zakat al-Fitr ay isang obligasyon para sa bawat Muslimβlalaki man o babae, bata man o matandaβat dapat itong maibigay bago isagawa ang Eid al-Fitr prayer upang matupad ang layunin nitong linisin ang nag-ayuno at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.








Views Today : 117
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2233
Views This Year : 18095
Total views : 30230
Leave a Reply