πƒπŽπ„ ππˆπ‹πˆππ€π– 𝐀𝐍𝐆 β€œπŸ’πŸ“-πƒπ€π˜ ππŽπ–π„π‘ π’π”πππ‹π˜β€ π‡πˆππƒπˆ π”πŒπ€ππŽ π‚πŽπ”ππ“π’πŽπ–π 𝐒𝐀 ππ‘πŽπ–ππŽπ”π“

Nilinaw ng Department of Energy na hindi dapat ikabahala ang kumakalat na impormasyon tungkol sa umano’y β€œ45 days na lang ang itatagal ng kuryente” sa bansa, at iginiit na ito ay maling interpretasyon ng datos ukol sa energy supply.

Ayon sa ahensya, ang tinutukoy na 45-day supply ay isang buffer o reserbang suplay ng enerhiya na magsisilbing panangga sakaling magkaroon ng biglaang pagkaantala sa pagdating ng imported na langis, gaya ng dulot ng pandaigdigang krisis.

Ipinaliwanag ng DOE na ang naturang supply ay hindi nangangahulugang countdown sa pagkawala ng kuryente, kundi isang mekanismo upang matiyak na may sapat na reserba ang bansa habang patuloy ang pagpasok ng bagong suplay. Dagdag pa nito, ang nasabing buffer ay β€œrolling” o patuloy na napapalitan at nadaragdagan dahil hindi naman humihinto ang importasyon ng langis sa Pilipinas.

Samantala, binigyang-linaw din ng ahensya na ang deklarasyon ng National Energy Emergency ay isang hakbang upang maagapan ang posibleng kakulangan sa suplay, makahanap ng alternatibong pinagkukunan ng enerhiya, at makapaglatag ng mga solusyon bago pa man maramdaman ang epekto nito sa publiko.

Sa kabila nito, nanawagan ang DOE sa publiko na maging mapanuri at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita na maaaring magdulot ng panic at hoarding.

Hinimok din ang mga mamamayan na magtipid sa kuryente, magbahagi ng tamang impormasyon, at manatiling kalmado sa harap ng mga ganitong usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020696
Views Today : 86
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3576
Views This Month : 2202
Views This Year : 18064
Total views : 30199