Isinagawa ang ribbon-cutting ceremony para sa bagong install na sampung (10) solar lights sa Maβhad Amilasan sa Sulu Province, bilang suporta sa Qurβan memorization at Islamic education sa komunidad.
Ang proyekto ay bahagi ng programang βLiwanag at Kabataan,β na inisyatiba ng Bangsamoro Youth Commission na pinangunahan ni BYC Chairperson Nas Dunding at ipinatupad ng Ministry of Human Settlements and Development BARMM sa pamamagitan ng 2024 Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni Raissa Jajurie.
Layunin ng proyekto na mapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral, lalo na sa gabi, sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga Asatidz at mag-aaral sa mas ligtas at maayos na pasilidad.
Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang edukasyon at kabataan sa Bangsamoro sa pamamagitan ng makabago at sustenableng mga solusyon.








Views Today : 70
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 629
Views Last 30 days : 3534
Views This Month : 2099
Views This Year : 17961
Total views : 30096
Leave a Reply