Habang hinihintay pa ang desisyon sa susunod na halalan sa Bangsamoro region, nilinaw ni MP Atty. Omar Sema na may malinaw na batayan sa batas ang pagpapatuloy ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Sa isang panayam, sinabi ni Sema na dahil hindi natuloy ang halalan noong Oktubre 13 at walang nahalal na regular parliament, hindi pa rin natatapos ang transition period ng Bangsamoro.
“Ang BTA ay magpapatuloy sa tungkulin nito hanggang sa makapagsagawa ng halalan at makapanumpa ang unang regular parliament,” ani Sema.
Bukod sa legal na usapin, tiniyak din ng MP na patuloy ang trabaho ng BTA sa pagtalakay ng mga mahahalagang panukala gaya ng Bangsamoro Public Petitions Act, People’s Initiative Act, at iba pang batas na makakatulong sa transparency at partisipasyon ng publiko sa pamahalaan.
Para kay Sema, ang pagpapatuloy ng BTA ay hindi simpleng extension ng termino, kundi pagpapatibay ng mandato na itinakda ng Bangsamoro Organic Law — tungo sa mas maayos at demokratikong Bangsamoro governance.







Views Today : 22
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 635
Views Last 30 days : 3558
Views This Month : 1924
Views This Year : 17786
Total views : 29921
Leave a Reply