PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG MAGUINDANAO DEL SUR, NAGPATUPAD NG TRAINING AT DISTRIBUTION PARA SA MGA IP CORN FARMERS

October 23, 2025 (Thursday) — Sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month ngayong Oktubre, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) at ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), ang isang Training on Corn Production kasabay ng pamamahagi ng agricultural inputs at makinarya sa mga IP corn farmers ng lalawigan. 🌽✨

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga katutubong magsasaka sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa produksyon ng mais, partikular sa seed selection, soil fertility management, integrated pest management, at postharvest handling. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng mahahalagang kaalaman at kasanayan ang mga magsasaka upang mapataas ang ani at mapabuti ang kabuhayan.

Bukod sa pagsasanay, tumanggap din ang mga benepisyaryo ng agricultural inputs at makinarya bilang bahagi ng production support mula sa pamahalaan. Pinagtibay din ng aktibidad ang kooperasyon ng mga IP farmers, OPAg, LGUs, at MAFAR tungo sa mas inklusibong pag-unlad ng agrikultura sa Maguindanao del Sur.

Sa pagtatapos ng programa, muling pinagtibay ng lahat ng kalahok ang pangako ng pagkakaisa at pagtutulungan upang higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa lalawigan—isang hakbang tungo sa mas masigla, masagana, at inklusibong pamayanan.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng “Festival of Service: GIVE HEART” — ang socio-economic development agenda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur na naglalayong dalhin ang mga makabuluhang serbisyo at oportunidad nang mas malapit sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020482
Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923