EDUKASYON PARA SA LAHAT: 185 BAGONG ISKOLAR NG COTABATO CITY, INAPRUBAHAN NA!

Isang magandang balita para sa kabataang Cotabateño! Inaprubahan ng 18th Sangguniang Panlungsod ng Cotabato City ang listahan ng 185 bagong iskolar sa ilalim ng New Academic Scholarship Ordinance ng lungsod para sa School Year 2025–2026.

Pinangunahan ni Konsehal Guiadzuri A. Midtimbang II ang nasabing hakbang bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lungsod sa pagpapalawak ng oportunidad sa edukasyon.

“Ibig sabihin ay pinag-hirapan nila ito at magagaling sila. Deserving talaga silang mabigyan ng pagkakataong ito,” ani Midtimbang, habang pinasalamatan sina Mayor Bruce “BM” Matabalao at ang Youth Development Office sa walang sawang pagtulong sa mga programang pangkabataan.

Sa patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan, mas maraming kabataan ang nagkakaroon ng pag-asang maabot ang kanilang mga pangarap—isang hakbang tungo sa mas matalino at mas maunlad na Cotabato City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020482
Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923