Agarang naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa pamamagitan ng relief distribution.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng GIVE HEART Program sa pangunguna ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, na layuning maabot ang mga residenteng naapektuhan ng kalamidad at mabigyan sila ng agarang ayuda.
Nakatanggap ng relief assistance ang mga pamilyang sinalanta ng baha upang makatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan habang patuloy ang pagbangon ng kanilang mga komunidad.
Patuloy namang nagsasagawa ng monitoring ang Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak na maaabot ng tulong ang lahat ng mga residenteng nangangailangan at mapalakas ang pagtugon sa umiiral na emergency.








Views Today : 127
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 879
Views Last 30 days : 4444
Views This Month : 3097
Views This Year : 29691
Total views : 41826
Leave a Reply