Agarang naghatid ng welfare goods ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa 59 pamilyang naapektuhan ng landslide sa bayan ng Calanogas matapos ang tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.
Isinagawa ang relief distribution nitong Hulyo 12 bilang bahagi ng agarang humanitarian response ng MSSD sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.
Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 13 pamilya ang mula sa Barangay Ngingir, 14 sa Barangay Mimbalawag, tig-7 pamilya sa Barangay Piksan at Barangay Pantaon, 6 sa Barangay Inoma, at 12 pamilya sa Barangay Punud. Ang mga barangay na Ngingir, Mimbalawag, Piksan, at Inoma ay kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity.
Ayon sa MSSD, patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang agarang paghahatid ng tulong at iba pang kinakailangang serbisyo sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide.








Views Today : 103
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 865
Views Last 30 days : 3821
Views This Month : 3218
Views This Year : 29812
Total views : 41947
Leave a Reply