𝐆𝐎𝐕. 𝐀𝐋𝐈 𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐆𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐌𝐔𝐋𝐀

Pormal nang inilunsad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ang Project Kapamula, isang inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur na naglalayong palakasin ang industriya ng niyog at mapataas ang kita ng mga magsasaka sa lalawigan.

Pinangunahan ni Provincial Agriculturist Engr. Jedahni Ulangkaya ang programa noong Hulyo 16, 2026, kung saan namahagi ng mga de-kalidad na coconut seedlings sa mga kooperatiba mula sa mga bayan ng South Upi, Rajah Buayan, Guindulungan, Datu Hoffer, Pandag, at Mangudadatu.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang iba’t ibang farmers’ cooperatives na inaasahang mangunguna sa pagpapalawak ng produksyon ng niyog sa kanilang mga komunidad.

Kasabay ng pamamahagi ng mga punla, nagsagawa rin ang OPAG ng orientation at technical training hinggil sa tamang pagtatanim, pangangalaga, at pangmatagalang pamamahala ng mga taniman upang matiyak ang mataas na produksyon at mas magandang ani.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., bahagi ang Project Kapamula ng mas malawak na programa upang palakasin ang sektor ng agrikultura, isulong ang seguridad sa pagkain, pangalagaan ang kalikasan, at makalikha ng napapanatiling kabuhayan para sa mga magsasaka sa Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028525
Views Today : 76
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 849
Views Last 30 days : 4418
Views This Month : 2954
Views This Year : 29548
Total views : 41683