Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ng Medical Mission at Food Pack Distribution sa Municipality of Datu Piang, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Give Heart Program na naglalayong mailapit ang pangunahing serbisyong pangkalusugan at ayuda sa mga komunidad.
Pinangunahan ang aktibidad nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Piang sa pangunguna nina Mayor Victor Samama, Vice Mayor Atty. Omar Samama, at Dra. Elizabeth Samama.
Sa programa, nakatanggap ang mga residente ng libreng medical consultation, gamot, at food packs, bilang tugon sa kanilang pangunahing pangangailangang pangkalusugan at pangkabuhayan.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga doktor, nurse, volunteers, at iba pang kawani na tumulong upang maging matagumpay ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.
Ayon sa Provincial Government, patuloy na isinusulong ng Give Heart Program ang layuning matiyak na walang Maguindanaon ang maiiwan sa pagtanggap ng serbisyong pampubliko.







Views Today : 24
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 808
Views Last 30 days : 3741
Views This Month : 3342
Views This Year : 29936
Total views : 42071
Leave a Reply