Pormal nang binuksan ngayong Hulyo 27, 2026 ang Ika-4 na Bangsamoro Youth Parliament (BYP) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, na dinaluhan ng mga youth delegates mula sa iba’t ibang lalawigan at komunidad ng Bangsamoro.
Layunin ng Bangsamoro Youth Parliament na maging isang makabuluhang plataporma kung saan naipapahayag ng kabataang Bangsamoro ang kanilang mga panukala at rekomendasyon sa pamamagitan ng mga bills at resolutions na nagmumula sa kani-kanilang mga probinsiya at komunidad.
Sa pagbubukas ng ikaapat na BYP, muling binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa pagsusulong ng demokratikong pamamahala, mahusay na pamumuno, at pagbuo ng mga polisiyang tumutugon sa pangangailangan ng Bangsamoro.








Views Today : 2
Views Yesterday : 142
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 2274
Views This Month : 1018
Views This Year : 34361
Total views : 46496
Leave a Reply