Umabot na sa 12,265 indigent senior citizens sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Basilan ang nakatanggap ng kanilang social pension sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) Program sa isinagawang mass payout mula Agosto 9 hanggang 19, 2026.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga nakatatanda mula sa Hadji Muhtamad, Al-Barka, Ungkaya Pukan, Tuburan, Maluso, Lantawan, Akbar, Tabuan-Lasa, at Lamitan City. Layunin ng programa na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang pangunahing gastusin, sa pamamagitan ng ₱1,000 buwanang pension.
Inaasahang magpapatuloy ang pamamahagi sa mga susunod na araw upang maabot pa ang iba pang kwalipikadong senior citizens sa natitirang mga munisipalidad ng Basilan.








Views Today : 53
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2176
Views This Month : 791
Views This Year : 34134
Total views : 46269
Leave a Reply