BARMM GOVERNORS, CHIEF MINISTER NAGLABAS NG MATINDING SUPORTA KAY PBBM SA KABILA NG MGA ALEGASYON

Ipinamalas ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kanilang buong suporta kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ilabas ang isang opisyal na pahayag na mariing nagsasabing ang kanilang panig ay “naninindigan sa tunay na pamamahala, katapatan, at laban kontra korapsyon.”

Ayon sa naturang pahayag, kinilala ng mga opisyal ang serye ng direktiba ng Pangulo upang sugpuin ang anomalya sa imprastraktura—kabilang ang pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure, pag-freeze ng assets ng mga sangkot sa maanomalyang proyekto, at pagkansela ng flood-control funds para sa 2026 upang matigil ang pag-abuso sa pondo ng bayan.

Sa kabila ng maiinit na alegasyon at sigalot sa pambansang politika, lalo na ang mga pasabog na pahayag mula kay Sen. Imee Marcos, nanindigan ang BARMM leaders na ang kanilang posisyon ay nakabatay sa prinsipyo ng good governance, hindi sa ingay ng politika. Para sa kanila, ang matatag na laban kontra korapsyon ay pundasyon ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Ang pahayag ay nilagdaan ng Chief Minister at lahat ng provincial governors, bilang patunay ng pagkakaisa ng Bangsamoro leadership sa paninindigan na mas mahalaga ang integridad ng pamahalaan kaysa sa anumang kontrobersiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020627
Views Today : 81
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 640
Views Last 30 days : 3545
Views This Month : 2110
Views This Year : 17972
Total views : 30107