Hinimok ng mga mambabatas ang MBHTE na unahin ang paglikha ng paaralan sa mga barangay na walang learning facilities upang masiguro na lahat ng kabataang Bangsamoro ay may access sa edukasyon. Kasabay nito ang presentasyon ng panukalang ₱32.651 bilyong budget ng MBHTE para sa 2026.
Ipinakita ni Minister Mohagher Iqbal na 150 sa 210 school-less at underserved barangays ay mayroon nang learning centers. Mahigit 9,891 ang natulungan ng TVET scholarship, at halos 5,959 Asatidz ang naitalaga sa iba’t ibang komunidad.
Ang MBHTE budget proposal ay ang pinakamalaki sa kasaysayan ng BARMM, na naglalayong palakasin ang basic, higher, technical, at Madaris education sa buong rehiyon.









Views Today : 113
Views Yesterday : 84
Views Last 7 days : 701
Views Last 30 days : 4110
Views This Month : 197
Views This Year : 26791
Total views : 38926
Leave a Reply