Matapos ang State of the Province Address (SOPA) ni Governor Datu Ali Midtimbang Al-Hajj, nagpahayag si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu ng kanyang paninindigan na ang patuloy na pagbaha sa Maguindanao del Sur ay may solusyong kayang isakatuparan kung magkakaisa ang mga ahensya ng pamahalaan.
Sa panayam, sinabi ng kongresista na naisumite na sa Liquid of the Age National (Office of Secretary Vince Dizon) ang kanilang kahilingan para sa flood control intervention sa mga bayan ng J.S. Pendatun, Paglat, Pandag, Buluan, Mangudadatu, at mga kalapit na lugar.
“Sinabi nila na tutugunan, pero kailangan natin silang pukawin. Parang natutulog na ahensya — dapat gisingin para sa kapakanan ng mga mamamayan,” ani Mangudadatu.
Ipinaliwanag din niya na ang pangunahing dahilan ng pagbaha ay ang mga naipong silted materials sa Liguasan Marsh, partikular sa bahagi ng J.S. Pendatun, na humahadlang sa maayos na pag-agos ng tubig.
Bilang tugon, iminungkahi ni Mangudadatu ang paggamit ng amphibious backhoe at pagpapatupad ng desilting operations sa naturang lugar upang tuluyang mapigilan ang over-spilling ng tubig sa mga mababang komunidad.
Kasabay nito, binigyang-pugay niya ang hakbang ng Provincial Government of Maguindanao del Sur, sa pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, kasama sina Vice Governor Hisham Nando at Mayor Nathaniel Midtimbang, na nagsagawa ng aerial inspection upang matukoy ang sanhi ng pagbaha.
“’Yan lang ang tanging paraan — alisin ang bara sa tubig. Kapag maayos ang daloy, maiiwasan na natin ang pagbaha sa Maguindanao,” dagdag ni Mangudadatu.
Ang panawagan ng kongresista ay umaalingawngaw bilang mensahe ng kooperasyon at malasakit, na nagtutulak sa mga ahensya ng pamahalaan at rehiyon na magkaisa para sa kaligtasan at kaunlaran ng Bangsamoro communities.







Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923
Leave a Reply