Sa kaniyang panayam matapos ang State of the Province Address (SOPA), ipinaliwanag ni Governor Datu Ali Midtimbang na ang tunay na pag-unlad ng Maguindanao del Sur ay magsisimula lamang kung maghahari ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa bawat pamayanan.
“kailangan mo muna itong linisin. Ganoon din sa ating lalawigan — kailangan muna nating ayusin ang kapayapaan bago natin itanim ang mga programa ng kaunlaran,” pahayag ni Gov. Midtimbang.
Tinukoy din ng gobernador na ang Maguindanao del Sur ay maihahambing sa isang bagong gumagaling sa sakit — nangangailangan ng tamang pag-aalaga, malasakit, at pagkakaisa upang tuluyang makabangon.
Ayon sa kanya, mahigit 80% ng mga rido o alitan sa pagitan ng mga pamilya at komunidad sa probinsya ay matagumpay nang naresolba, sa tulong ng mga lokal na opisyal, tradisyunal na lider, at religious elders.
“Ang layunin natin ay hindi lamang wakasan ang gulo, kundi buuin muli ang tiwala at ugnayan ng mga mamamayan,” dagdag pa ni Gov. Midtimbang.
Patuloy umano ang pamahalaang panlalawigan sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng BARMM at mga lokal na pamahalaan upang mapalakas ang peace and reconciliation programs bilang pundasyon ng pangmatagalang pag-unlad sa Maguindanao del Sur.







Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923
Leave a Reply