Chairman Murad Ebrahim: “Ang tunay na kapayapaan ay higit pa sa pagtigil ng putukan—ito ay paghilom ng sugat ng kasaysayan.

Inilunsad ni MILF Chairman Murad Ebrahim ang Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Roadmap bilang mahalagang hakbang para sa pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro. Sa kanyang mensahe, binalikan niya ang dekada ng sigalot na dinanas ng rehiyon at ang pangangailangang pagtuunan ang mga sugat na iniwan ng nakaraan.

Binanggit niya na ang roadmap ay magbibigay-daan sa truth-telling, pag-address ng historical injustices at human rights violations, at pagtataguyod ng healing at reconciliation. Pinuri niya ang Technical Working Group mula sa MILF at national government na bumuo ng roadmap.

Ayon kay Chairman Murad, ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang pagtigil ng karahasan, kundi ang pagbabalik ng dignidad at tiwala ng mga mamamayan. Ang TJR Roadmap ay magsisilbing gabay sa imbestigasyon, paghahanda, community dialogue, at pagbuo ng mekanismong nakaangkla sa kultura at kasaysayan ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020671
Views Today : 49
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 581
Views Last 30 days : 3539
Views This Month : 2165
Views This Year : 18027
Total views : 30162