Bilang konkretong patunay ng malasakit at agarang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, matagumpay na isinagawa ang turnover ng Mapadtimbang Makeshift Classroom at Existing School Facility Improvement sa Dimaucom Uto Elementary School, sa pangunguna ng Provincial Administrator Datu Nur-Ali Midtimbang at sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang.
Nag-ugat ang proyekto sa isang liham na ipinadala ng pamunuan ng paaralan noong Nobyembre 3, 2025, na humihiling ng tulong upang matugunan ang matagal nang kakulangan sa pasilidad. Bilang tugon sa adbokasiyang “Serbisyong May Puso,” agad na kumilos ang Pamahalaang Panlalawigan. Kinabukasan, Nobyembre 4, 2025, isinagawa ang case study at on-site assessment upang matukoy ang agarang pangangailangan ng paaralan.
Matapos ang masusing pag-aaral, sinimulan ang implementasyon ng proyekto noong Nobyembre 23, 2025, na may layuning makapaghatid ng mabilis ngunit pangmatagalang solusyon para sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro. Ang proyekto ay opisyal na na-turnover ngayong Enero 2, 2026, kung saan ipinagkaloob ang mga makeshift classrooms, stage para sa school programs, solar panels bilang alternatibong pinagkukunan ng kuryente, armchairs, mga sako ng bigas, at paggawa ng hagdan sa hallway upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng pasilidad.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan at buong komunidad ng Dimaucom Uto Elementary School kay Governor Datu Ali Midtimbang, hindi lamang sa pagtupad sa ipinangakong tulong kundi sa patuloy at matagal nang suporta niya sa sektor ng edukasyon—kapwa sa pormal at Islamic education.
Ang karanasang ito ng Dimaucom Uto Elementary School ay malinaw na patunay na kapag ang pamahalaan ay may malasakit, mabilis na kumikilos, at may pusong naglilingkod, ang edukasyon ay tunay na napapalakas at napangangalagaan—lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan.








Views Today : 142
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 1067
Views Last 30 days : 3693
Views This Month : 2415
Views This Year : 24994
Total views : 37129
Leave a Reply