Isang Very Urgent Petition for Certiorari at Mandamus ang inihain sa Supreme Court of the Philippines ng mga petitioner na sina Saiden U. Abdulwahab at Zacaria S. Tuan, na kumukuwestiyon sa konstitusyonalidad ng appointment ng anim (6) na miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at ng Interim Chief Minister.
Sa petisyon, pinangalanan bilang respondents ang Office of the President at ang Bangsamoro Transition Authority, na kinakatawan ni Abdulraof A. Macacua at Mohammad Yacob.
Mariing iginiit ng mga petitioner na hindi maaaring isantabi ang Saligang Batas sa ilalim ng anumang sitwasyon. Ayon sa kanila, ang Konstitusyon ang pinakamataas at pangunahing batas na nagtatakda, naglilimita, at naghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan—at ito ay dapat sundin ng lahat, kabilang ang pinakamataas na opisyal ng bansa. Binibigyang-diin din ng petisyon na ang mga doktrinang konstitusyonal ay hindi maaaring baguhin o iangkop batay sa kaginhawaan ng pamahalaan o sa “whims and caprices” ng mga namumuno.
Binanggit pa sa petisyon na ang pagpayag sa iilang indibidwal na yurakan ang mga karapatang konstitusyonal ng mamamayan sa ilalim ng “trivial at inchoate grounds” ay isang hayagang paglabag sa prinsipyo na ang Pilipinas ay isang pamahalaan ng batas, hindi ng tao. Ipinunto rin na ang Korte Suprema, bilang hukuman ng huling hantungan, ang may pinal na kapangyarihan na magpasya sa lahat ng isyung legal na maayos na inihaharap dito.
Sa pamamagitan ng petisyong ito, hinihiling ng mga petitioner na ideklarang unconstitutional ang naturang mga appointment at igiit ang mahigpit na pagsunod sa Konstitusyon, lalo na sa konteksto ng pamamahala at transisyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang kaso ay inaasahang magiging landmark legal test sa ugnayan ng kapangyarihang ehekutibo, transisyonal na pamahalaan ng Bangsamoro, at ng hudikatura.








Views Today : 133
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 711
Views Last 30 days : 3660
Views This Month : 2378
Views This Year : 18240
Total views : 30375
Leave a Reply