𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐑𝐄𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊: 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐀𝐓 𝐅𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐏𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐑𝐎𝐌𝐎𝐍𝐆𝐀𝐎𝐁

Matagumpay na naihatid ng Provincial Government of Maguindanao del Sur ang isang malawakang Medical Mission sa Barangay Romongaob, South Upi bilang bahagi ng flagship program na Midtimbang Cares: Alagang Tapat, Serbisyong May Puso, Tuloy ang Pagbabago!—isang inisyatiba na nakatuon sa inclusive at people-centered governance.

Layunin ng programa na maihatid ang komprehensibong serbisyong pangkalusugan at tulong-pangkabuhayan lalo na sa mga bulnerable at geographically isolated na komunidad. Sa ilalim ng Give Heart Medical Services, daan-daang residente ang nakinabang sa libreng check-up, libreng gamot, bunot ng ngipin, tuli, konsultasyon sa mata, at libreng gupit.

Hindi lamang serbisyong medikal ang inihatid ng pamahalaang panlalawigan. Nagkaroon din ng libreng tsinelas, libreng Jollibee para sa mga bata, at feeding program na nagbigay saya at dagdag lakas sa mga benepisyaryo—lalo na sa kabataan ng barangay.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang naturang aktibidad ay patunay ng tunay na diwa ng Serbisyong May Puso—isang pamamahalang hindi lamang naghahatid ng serbisyo, kundi nagpapalaganap ng malasakit, pag-asa, at pag-unawa sa bawat pamilyang Maguindanaon.

Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na outreach programs sa mga malalayong lugar, ipinapakita ng Provincial Government ang matibay nitong paninindigan na walang maiiwan at bawat komunidad ay may karapatang tumanggap ng maayos at de-kalidad na serbisyo mula sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020794
Views Today : 104
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 682
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2349
Views This Year : 18211
Total views : 30346