Naglabas ng opisyal na pahayag ang Bangsamoro Government sa pangunguna ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua kaugnay ng umanoβy hindi responsableng paggamit ng salitang βMuslimβ sa pagtukoy sa mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpaslang kay Jonafa Infante, isang opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Puerto Princesa International Airport.
Sa inilabas na statement, ipinahayag ng pamahalaang Bangsamoro ang matinding pag-aalala sa paggamit ng relihiyosong pagkakakilanlan sa isang kasong kriminal kung saan hindi ito mahalagang detalye sa isyu. Binigyang-diin ng pamahalaan na ang ganitong pagbanggit ay maaaring magpalakas ng mapanganib na stereotype at diskriminasyon laban sa buong komunidad.
Tinukoy rin sa pahayag si Ramon Tulfo, na umanoβy gumamit ng naturang termino sa kanyang post. Ayon sa Bangsamoro Government, bilang isang beteranong mamamahayag, inaasahang susunod ito sa mga prinsipyo ng ethical at responsible journalism.
Gayunman, nilinaw ng pamahalaan na ang kanilang pahayag ay hindi paglihis sa pangunahing usapin β ang paghahanap ng hustisya para sa biktima. Mariing iginiit ng Bangsamoro Government na kaisa sila sa panawagan na papanagutin ang mga responsable sa krimen alinsunod sa batas.
Binigyang-diin din na ang paghahangad ng hustisya ay hindi dapat magdulot ng pagkakahati-hati o diskriminasyon. Sa isang bansang may ibaβt ibang pananampalataya at kultura, mahalagang ang wika at pamamahayag ay magtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa.








Views Today : 106
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 684
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2351
Views This Year : 18213
Total views : 30348
Leave a Reply