Naging makabuluhan ang ikaapat na batch ng Barakah nu Ramadhan Call of Adhan and Qurβan Reading Competition na ginanap noong Marso 14, 2026, kung saan muling nagtipon ang mga kalahok at tagasuporta upang ipagdiwang ang kagandahan ng pagbigkas ng Banal na Qurβan sa gitna ng banal na buwan ng Ramadhan.
Sa naturang programa, umalingawngaw ang mga tinig ng mga Qurβan reciters at muadhin na nagbigay-buhay sa mga talata ng Qurβan, na nagsilbing inspirasyon sa komunidad at paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, pagninilay, at pagkakaisa habang papalapit ang pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno.
Nagbigay rin ng parangal sa mga natatanging kalahok kung saan ilan sa kanila ang nagkamit ng mga gantimpala kabilang ang Free Umrah package, pati na rin ang mga premyong bigas at food packs bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at dedikasyon.
Ang matagumpay na aktibidad ay naisakatuparan sa tulong ng suporta ng mga lider ng Maguindanao del Sur, kabilang sina Datu Ali M. Midtimbang Sr., Gobernador ng lalawigan, Hisham S. Nando, Bise Gobernador, at Datu Esmael G. Mangudadatu, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagpapatibay sa pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply