𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆-𝐔𝐓𝐎𝐒: 𝐇𝐈𝐆𝐏𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐆𝐔𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃 — 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐋𝐋𝐈𝐆𝐄𝐍𝐂𝐄, 𝐒𝐔𝐆𝐏𝐔𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐌𝐄𝐍

Mariing pinangunahan ni Maguindanao Del Sur Provincial Administrator Datu Nur Ali U. Midtimbang ang isang high-level inter-agency crackdown meeting upang paigtingin ang seguridad at sugpuin ang anumang banta sa kapayapaan sa Maguindanao del Sur.

Isinagawa ang pulong sa Kapamagayon Hall sa Buluan kung saan pinagsama-sama ang pwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, at iba pang ahensya upang maglatag ng mas mahigpit na hakbang laban sa kriminalidad at destabilization.

Sa kanyang direktiba, iginiit ni Midtimbang ang walang kompromisong koordinasyon at agarang aksyon laban sa anumang aktibidad na nagbabanta sa kaayusan ng lalawigan. Aniya, kailangang palakasin ang intelligence sharing, ground monitoring, at community vigilance upang maagap na matukoy at mapigilan ang mga posibleng insidente.

Kabilang sa mga nanguna sa presentasyon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Windy Anne Joy Beaty, na naglatag ng mga hakbang sa pagpapalakas ng early warning systems at rapid response mechanisms—hindi lamang sa sakuna kundi pati sa security threats.

Binigyang-diin din sa pulong ang kritikal na papel ng komunidad sa pagbabantay at pag-uulat ng kahina-hinalang galaw, na itinuturing na frontline defense laban sa krimen at kaguluhan.

Sa pagtatapos, nagkaisa ang lahat ng ahensya na magpatupad ng mas agresibong koordinasyon, palawakin ang community intelligence network, at tiyakin ang tuloy-tuloy na operasyon para sa isang mas ligtas, matatag, at kontroladong Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020407
Views Today : 12
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 765
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 1824
Views This Year : 17686
Total views : 29821