Naka-standby ang Maguindanao Del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Philippine Red Cross bilang medical support sa unang araw ng BARMMAA Meet 2026, partikular sa Pencak Silat competition na ginanap sa Notre Dame of Sarmiento.
Layunin ng deployment na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng kalahok, habang handang rumesponde sa anumang medical emergency na maaaring mangyari sa gitna ng kompetisyon.
Binigyang-diin ng mga awtoridad na ang presensya ng mga emergency responders ay bahagi ng komprehensibong paghahanda upang masiguro ang ligtas at maayos na daloy ng sporting events sa Bangsamoro.






Views Today : 8
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 761
Views Last 30 days : 3593
Views This Month : 1820
Views This Year : 17682
Total views : 29817
Leave a Reply