Nagpatuloy ang Ministry of Social Services and Development sa paghahatid ng agarang tulong sa 530 internally displaced persons (IDPs) sa Nabalawag sa pamamagitan ng malawakang relief operations na isinagawa noong Abril 7–8, 2026 sa Dabpil Sampulna Elementary School, Barangay Olandang.
Sa naturang aktibidad, bawat pamilya ay nakatanggap ng family food packs na naglalaman ng mga pangunahing pagkain tulad ng de-lata at kape. Namahagi rin ng jerry cans na ginamit sa water rationing upang matugunan ang kakulangan sa malinis na tubig sa komunidad.
Kasabay nito, inilunsad ang community mobile kitchen sa pakikipagtulungan ng World Food Programme bilang agarang tugon sa kagutuman dulot ng paglikas. Ang mga IDPs ang unang nakinabang sa programa, kung saan sila ay pinagkalooban ng mainit na pagkain tulad ng arroz caldo, kasama ang karagdagang suplay ng bigas.
Binigyang-diin ng MSSD na patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang partner agencies upang matiyak ang tuloy-tuloy na suporta sa mga apektadong pamilya, habang tinutulungan silang makabangon at unti-unting makabalik sa normal na pamumuhay.







Views Today : 12
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 765
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 1824
Views This Year : 17686
Total views : 29821
Leave a Reply