Pormal nang tinanggap ng Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) ang prestihiyosong Silver Anvil trophy bilang pagkilala sa matagumpay nitong health communication initiative na isinulong katuwang ang AHA! Behavioral Design (AHA! BD).
Isinagawa ang turnover ceremony sa Cotabato City kasabay ng pre-meeting para sa MOH-BARMM 2025 Performance Directives, Accomplishment, and Performance Assessment Tracking o DAPAT.
Sa ilalim ng pamumuno ni Minister of Health Dr. Kadil Jojo M. Sinolinding Jr., patuloy na pinapalakas ng ministeryo ang people-centered at innovative healthcare programs sa rehiyon. Bahagi ng tagumpay na ito ang collaborative initiative na “SBC 101: Transforming Public Communication in BARMM through Science, Trust, and Behavior Change.”
Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga health teams at public servants sa BARMM na maisalin ang mga polisiya at plano tungo sa behavior-focused strategies upang mas matugunan ang aktwal na hamon at pangangailangan ng mga komunidad.
Dumalo rin sa turnover ceremony sina Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn Abas at Development Partners Coordinating Unit Coordinator Ms. Omaira Ali kasama ang iba pang regional health leaders mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa BARMM.
Kinatawan naman ng AHA! Behavioral Design sina Founding Partner and Chief Operating Officer Timothy John Agulto at Public Health Program Manager John Dominic Rodriguez na nagpahayag ng patuloy na suporta sa pagsusulong ng science-based at behavior-centered public health communication sa Bangsamoro.
Kilala ang Silver Anvil Award bilang isa sa pinakamataas na parangal sa larangan ng communication programs sa bansa. Ayon sa MOH-BARMM, patunay ito ng lumalakas na direksyon ng Bangsamoro healthcare system sa paggamit ng makabagong pamamaraan upang mapabuti ang kalusugan at serbisyo para sa mamamayan ng rehiyon.









Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477
Leave a Reply