Sa patuloy na pagsisikap na mapataas ang kalidad ng pagbasa at mapalakas ang antas ng edukasyon sa Maguindanao del Sur, matagumpay na isinagawa ang βProject Kapangagi: Crafting Teachersβ Lesson Guide at Learnerβs Workbookβ noong Mayo 15 hanggang 18, 2026 sa Dolarosa Resort and Event Place sa Isulan, Sultan Kudarat.
Ang naturang inisyatibo ay isinulong sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang Sr. bilang bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaang panlalawigan na mabigyan ng sapat na suporta ang mga guro at mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na sa larangan ng pagbasa.
Kasunod ito ng unang workshop na βProject Kapangagi Reading Intervention Training,β kung saan iminungkahi ni Provincial Administrator Datu Nur-Ali Midtimbang ang pagpapatuloy ng mga programang magpapalakas sa kakayahan sa pagbasa ng mga kabataan sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng collaborative workshop, nakabuo ang mga kalahok ng lesson guides at learnerβs workbooks na magsisilbing pangunahing instructional resources para sa mga reading teachers at coordinators sa Maguindanao del Sur.
Kabilang sa mga lumahok sa pagbuo ng mga materyales ang dalawang personnel mula sa Schools Division Office, limang guro mula sa ibaβt ibang paaralan, at apat na kawani mula sa Provincial Local Government Unit ng Maguindanao del Sur.
Tampok sa mga kagamitang binuo ang paggamit ng βMarungko Approach,β isang kilalang pamamaraan sa pagtuturo ng pagbasa na nakabatay sa phonics o tunog ng mga titik upang mas madaling matutunan ng mga bata ang wastong pagbibigkas at pagbabasa.
Ayon sa mga organizers, pormal na ilulunsad ang mga output ng workshop sa nalalapit na βRoll-outβ para sa mga kalahok ng βKapangagi: Reading Intervention for Teachers Trainingβ na gaganapin sa Janel Pension House sa Tacurong City.
Ang naturang instructional materials ay sasailalim din sa pilot testing sa sampung piling paaralan sa buong Maguindanao del Sur bilang bahagi ng implementasyon ng Project Kapangagi.
Ang salitang βKapangagi,β na nangangahulugang βpag-aaralβ sa wikang Maguindanaon, ay sumasalamin sa layunin ng programa na tulungan ang mga mag-aaral na nakararanas ng kahirapan sa pagbabasa at matiyak na walang batang maiiwan sa edukasyon.
Nakahanay rin ang proyekto sa Sustainable Development Goal 4 o Dekalidad na Edukasyon, na naglalayong tiyakin ang inklusibo, patas, at de-kalidad na pagkatuto para sa lahat pagsapit ng taong 2030.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang isang βgobyernong may pusoβ na naniniwalang ang edukasyon at pagkatuto ng kabataan ang pundasyon ng tunay na kaunlaran at pangmatagalang kapayapaan sa Maguindanao del Sur.








Views Today : 272
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1007
Views Last 30 days : 3743
Views This Month : 730
Views This Year : 23309
Total views : 35444
Leave a Reply