𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐓𝐔𝐑𝐍𝐂𝐎𝐀𝐓𝐈𝐒𝐌 𝐓𝐀𝐑𝐆𝐄𝐓? 𝐌𝐈𝐑𝐈𝐀𝐌 𝐅𝐄𝐑𝐑𝐄𝐑, 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐊𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐌𝐀𝐍𝐎’𝐘 ‘𝐒𝐓𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐌𝐎𝐕𝐄𝐒’ 𝐒𝐀 𝐁𝐓𝐀

Naglabas ng matapang na pahayag si political analyst at peace advocate na si Miriam Coronel-Ferrer kaugnay sa umiinit na political developments sa Bangsamoro Parliament matapos ang mga kontrobersiyal na panukalang batas na may kaugnayan sa anti-political dynasty at anti-party switching provisions ng Bangsamoro Electoral Code.

Si Coronel-Ferrer ay kilalang dating chairperson ng Government Peace Panel sa ilalim ng administrasyong Aquino at isa sa mga pangunahing personalidad sa peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na humantong sa paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Sa kanyang Facebook post, kinuwestyon niya kung sino umano ang nasa likod ng mga “disruptive maneuvers” sa Bangsamoro Parliament, lalo na matapos mawalan umano ng mayorya ang kampo ng MILF na kaalyado ni dating Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim kasunod ng pagpapalit kay Abdulraof Macacua bilang Interim Chief Minister.

Ayon kay Coronel-Ferrer, may nakikita umano siyang “collusion” o sabwatan sa likod ng mga serye ng political moves sa BARMM, kabilang na ang pagbuo ng Bangsamoro Federal Party (BFP) na iniuugnay umano sa ruling party na Partido Federal ng Pilipinas (PFP), at ang paghikayat sa ilang miyembro ng MILF na umalis sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Binatikos din niya ang umano’y tangkang alisin ang anti-dynasty at anti-party switching provisions sa Bangsamoro Electoral Code, bagay na aniya ay ginagawa umano nang “patago” o walang sapat na transparency.

Kasabay nito, tinukoy rin niya ang naging pahayag ni MP Jose Lorena na nagsabing nais niyang alisin ang kanyang pangalan bilang co-author ng isa sa mga kontrobersiyal na panukalang batas dahil hindi siya sang-ayon sa tuluyang pagbura sa anti-dynasty provision.

Sa kanyang mensahe, nagbabala rin si Coronel-Ferrer sa ilang miyembro ng MILF na lumipat sa Bangsamoro Federal Party, kabilang na umano si Interim Chief Minister Macacua, na huwag umanong isiping mananatiling tapat sa kanila ang mga tradisyunal na political clans at mga non-MILF allies kapag tuluyang nagbago ang political landscape sa rehiyon.

Dagdag pa niya, maaaring pansamantala lamang umano ang political alliances sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at maaari rin umanong magbago muli ang mga partido sa hinaharap — isang sitwasyong aniya ay mismong nais pigilan ng anti-party switching provision na ngayon ay nais umanong alisin.

Ang naturang pahayag ni Coronel-Ferrer ay isa sa pinakamatitinding political commentaries na lumabas kaugnay sa kasalukuyang tensyon sa loob ng BARMM transition government habang papalapit ang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon sa 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024516
Views Today : 272
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1007
Views Last 30 days : 3743
Views This Month : 730
Views This Year : 23309
Total views : 35444