𝐋𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀: “𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐑𝐔𝐋𝐄𝐒, 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐓𝐈𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐀𝐆𝐄

Naglabas ng pahayag ang election watchdog na LENTE kaugnay sa mga kontrobersiyal na panukalang amyenda sa Bangsamoro Electoral Code at Bangsamoro Local Governance Code na may kinalaman sa anti-dynasty at anti-party switching provisions sa BARMM.

Ayon sa grupo, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay hindi lamang isang ordinaryong local government unit dahil mayroon itong sariling Parliament, ministerial form of government, at natatanging electoral system na nakapaloob sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Binigyang-diin ng LENTE na ang umiiral na anti-dynasty provisions ay idinisenyo upang mabawasan ang kontrol ng mga political dynasties sa mga partido at eleksyon at upang ilayo ang Bangsamoro sa patronage at personality-based politics.

Ayon pa sa grupo, ang pagtanggal sa naturang safeguards ay maaaring magpahina sa party development, maglimita sa political participation, at muling magbukas ng pinto sa dominasyon ng political clans sa rehiyon.

Nagbabala rin ang LENTE na ang epekto nito ay hindi lamang limitado sa usaping elektoral dahil maaari rin umanong humantong ito sa konsentrasyon ng political power, kontrol sa public resources, appointments, at decision-making processes.

Kasabay nito, sinabi rin ng grupo na ang pagpasa sa naturang mga panukala ay maaaring ituring na pagbabalik sa isang “status quo” na dati nang itinuring na hindi katanggap-tanggap ng parehong Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa panahon ng peace negotiations.

Ayon pa sa LENTE, maaari itong magdulot ng panibagong “fracture” o pagkakahati sa peace process sa panahong nahaharap na ang BARMM sa iba’t ibang legal at political challenges bago ang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa Bangsamoro Parliament na huwag ituloy ang mga naturang amendments at sa halip ay pagtibayin pa ang mga safeguards at electoral reforms na naglalayong protektahan ang political participation at democratic development sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024516
Views Today : 272
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1007
Views Last 30 days : 3743
Views This Month : 730
Views This Year : 23309
Total views : 35444