Isang makasaysayang tagumpay ang ipinagdiwang ng Maguindanao del Sur matapos kilalanin si Salha Samod Sameon bilang kauna-unahang Licensure Examination for Teachers (LET) topnotcher mula sa bayan ng General Salipada K. Pendatun.
Nagtamo si Sameon ng 93.80% general average at nakapasok bilang Top 5 sa buong bansa sa 2026 Licensure Examination for Teachers.
Siya rin ang kauna-unahang alumna ng Regional Madrasah Graduate Academy na nakapagbigay ng ganitong karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan kundi maging sa buong lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Bilang pagkilala sa kanyang natamong tagumpay, personal na iginawad ng Governor Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang ang plaque of recognition at cash incentive na nagkakahalaga ng ₱100,000.
Ayon sa provincial government, ang naturang pagkilala ay simbolo ng suporta at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga kabataang nagpupursigi sa larangan ng edukasyon.
Binigyang-diin din na ang tagumpay ni Sameon ay nagsisilbing inspirasyon sa mga future educators at patunay na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at tamang suporta mula sa pamahalaan, kayang makamit ng mga kabataang Bangsamoro ang tagumpay sa pambansang antas.







Views Today : 87
Views Yesterday : 233
Views Last 7 days : 935
Views Last 30 days : 3985
Views This Month : 3905
Views This Year : 30499
Total views : 42634
Leave a Reply