Isinagawa nitong Mayo 20, 2026 ang Regular Meeting ng mga Municipal Engineers at Provincial Engineers sa Kapamagayon Hall, Provincial Capitol sa Buluan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon at development planning sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Sa ilalim ng liderato ni Governor Datu Ali Midtimbang Sr., patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang inklusibong kaunlaran upang matiyak na lahat ng komunidad ay kabilang sa pag-unlad at walang maiiwan.
Layunin ng pagpupulong na talakayin at higit pang balangkasin ang Comprehensive Development Plan (CDP) at Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) ng lalawigan, kabilang ang mas pinahusay na infrastructure at public service planning.
Binigyang-diin din sa pagpupulong ang mahalagang papel ng mga Municipal Engineers sa pagbibigay ng datos at technical information hinggil sa mga pangangailangan ng kani-kanilang munisipalidad, partikular sa imprastraktura, utilities, at iba pang pangunahing serbisyo publiko.
Kabilang sa mga pangunahing usaping tinalakay ang lifeline utilities gaya ng suplay ng kuryente, telekomunikasyon, tubig, at transportasyon na may malaking papel sa pang-araw-araw na buhay at patuloy na pag-unlad ng mga komunidad.
Pinag-usapan din ang mga critical infrastructures o mahahalagang sistema at pasilidad na may direktang epekto sa seguridad, ekonomiya, kalusugan, at kaligtasan ng mamamayan sa buong lalawigan.
Isa rin sa mga tampok na paksa ang paggamit ng scalogram sa engineering at development planning bilang kasangkapan sa pagsusuri ng lawak ng serbisyo, antas ng kaunlaran, at pagkakaroon ng mga pasilidad sa iba’t ibang bayan at barangay.
Sa pamamagitan nito, mas madaling matutukoy ng pamahalaan kung aling mga lugar ang nangangailangan ng prayoridad na proyekto at mas episyenteng intervention para sa balanced at sustainable development.
Kasabay nito, tinalakay rin ang finalization ng Road Network Map at Provincial Road Inventory ng Maguindanao del Sur upang matiyak ang maayos na reconciliation ng provincial at municipal roads sa buong lalawigan.
Ayon kay Provincial Engineer Abdulwahab V. Tunga, mahalaga ang organisadong koordinasyon sa pagitan ng Provincial Engineering Office at mga Municipal Engineering Offices upang higit pang mapahusay ang zoning implementation, land use planning, at pagpapatupad ng mga programang pang-imprastraktura.
Dagdag pa niya, ang regular na pagpupulong ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang matibay na working relationship sa pagitan ng mga engineering offices tungo sa mas organisado, matatag, at mapayapang Maguindanao del Sur.
Ang naturang hakbang ay nakahanay rin sa Sustainable Development Goal 11 o Sustainable Cities and Communities na naglalayong gawing ligtas, inklusibo, resilient, at sustainable ang mga komunidad para sa lahat.









Views Today : 272
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1007
Views Last 30 days : 3743
Views This Month : 730
Views This Year : 23309
Total views : 35444
Leave a Reply