𝟓𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐔𝐏𝐈, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐂𝐔𝐑𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌

Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), katuwang ang World Food Programme (WFP) at lokal na pamahalaan ng Upi, ang ika-anim na batch ng pamamahagi ng fortified rice sa ilalim ng Sustainable Environment Community Upliftment and Resiliency (SECURE) Convergence Program ng Bangsamoro Food Security Task Force (BFSTF) nitong Mayo 21, 2026.

Kabuuang 500 pamilya mula sa Barangay Blensong at Barangay Nangi sa bayan ng Upi ang nakatanggap ng fortified rice bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BARMM government na mapalakas ang food security at mapabuti ang nutrisyon ng mga komunidad.

Sa tala ng mga organizers, tig-250 pamilya mula sa dalawang barangay ang naging benepisyaryo ng programa na layuning matulungan ang mga vulnerable sectors sa gitna ng mga hamon sa kabuhayan, climate change, at iba pang sakuna.

Ayon sa mga opisyal, ang SECURE Convergence Program ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng Bangsamoro Food Security Task Force upang pagtibayin ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang ministries, local government units, at development partners sa rehiyon.

Layunin din ng programa na maghatid ng magkakaugnay na intervention programs na hindi lamang tutugon sa agarang pangangailangan sa pagkain kundi magpapalakas din sa resiliency at kabuhayan ng mga komunidad sa BARMM.

Sa pamamagitan ng patuloy na partnership sa pagitan ng BARMM ministries, WFP, at mga lokal na pamahalaan, inaasahang mas marami pang pamilya ang maaabot ng mga programang nakatuon sa food security, nutrition, at community resilience sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Region.

v

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024516
Views Today : 274
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1009
Views Last 30 days : 3745
Views This Month : 732
Views This Year : 23311
Total views : 35446