Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, matagumpay na nagtapos ang humigit-kumulang 200 livestock farmers mula sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Sur at isang munisipalidad mula sa Maguindanao del Norte sa isang apat na buwang pagsasanay hinggil sa wastong pag-aalaga at pamamahala ng kambing at iba pang alagang hayop.
Isinagawa ang graduation ceremony noong Mayo 21, 2026 sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol bilang pagkilala sa mga kalahok na matagumpay na nakumpleto ang training program na “Proper Care and Management for Goats and Herds.”
Ang naturang programa ay pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist sa ilalim ng pamumuno ni Jedahni E. Ulangkaya katuwang ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform at Philippine Rural Development Project sa ilalim ng I-REAP Component.
Ayon sa mga organizers, layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga livestock farmers sa tamang pag-aalaga ng hayop upang mapabuti ang produksyon at kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Binigyang-diin din na ang programa ay nakaangkla sa Sustainable Development Goal 8 o Decent Work and Economic Growth dahil nagbibigay ito ng oportunidad para sa mas matatag na kabuhayan ng mga magsasaka ng hayop.
Kasabay nito, suportado rin nito ang Sustainable Development Goal 4 o Quality Education sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng kaalaman at agricultural education sa mga komunidad.
Sa ilalim ng liderato ni Governor Datu Ali “Datu sa Talayan” Midtimbang Sr., patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapalawak ng agricultural knowledge at livelihood programs bilang bahagi ng GiveHEART Agenda at ng “Serbisyong May Puso” para sa kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.








Views Today : 28
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 604
Views Last 30 days : 3385
Views This Month : 130
Views This Year : 22709
Total views : 34844
Leave a Reply